Ang Sana’y Mabatid ng mga
Relihiyoso
Nagsimula ang buhay
ng tao ng walang kahit ano mang uri ng pananampalataya. Naging parte ito ng
ating buhay dahil sa mga tanong na hindi matugunan at ginawang tugon sa mga
tanong na ito ang relihiyon. Nagkaroon ito ng iba’t-ibang klase at hanggang sa
ngayon ay wala pang nakakatuklas kung ano sa mga ito ang pinakatotoo sa mga ito.
Bawat relihiyon ay may sariling mga kasabihan o aral. Sa kabila ng mga
pagkakaiba, sila ay may-iisang layunin at ito ay ang pagkamit ng walang
hanggang kapayapaan sa mga naniniwala dito.
Ang
pananampalataya ay isang malaking parte sa buhay ng mga tao. Marahil dahil sa
mga naniniwala dito. Ang pananampalataya ng mga tao ang nagpapatibay sa isang pananampalataya.
Ang pundasyong ito ang nagpatatag ng isang relihiyon. Marahil naging mas
matibay ito dahil sa mga nangyayaring hindi maipaliwanag na milagro sa buhay ng
mga tao.
Ang relihiyon ay nagdulot ng maraming mabubuting bagay.
Tulad na lang ng pagpapanatili nito na maging butihing tao ang mga sumusunod
dito. Nagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa isang komunidad. Marahil sa
pagsabuhay ng mga aral ng isang relihiyon, ay nagiging tahimik at mabubuti ang
mga mamamayan.
Pero sa kabila ng mga magagandang dulot ng relihiyon sa
atin ay mayroon pa ring mga bagay na hindi maganda, ayon sa iba, lalo na sa
paghulma ng talino ng tao. Naging maliit na lamang ang parte ng agham noong
panahon ng paglaganap ng relihiyon. Hindi na namulat ang mga tao sa mga tunay
na nangyayari at ang ilan ay umaasa na lamang sa mga milagro na dulot ng kanila
pananampalataya. Ngunit sa pagkawala ng agham, natigil din ang pag-usad sa
paghahanap ng tunay na “kasagutan” sa ating mga katanungan na siguro ay sa huli
na lamang natin malalaman. Marahil sana’y mayroon na tayong mga kakaibang
kagamitan at mga tugon na magmumulat sa ating mga katanungan. Ang pagbagal ng
asenso sa agham ay nagdulot ng mas matagal na pag-unlad natin. Sana’y hindi na tayo
namomoblema ngayon sapagkat madali na lang itong masusulusyunan. Hindi man
sigurado sa teorya na ito, pero ano ang ating kasiguraduhan na matapos ang
lahat ng suliranin dahil sa agham.
Marahil ngang grandiyosa ang nadulot ng relihiyon sa
ating buhay, ngunit hindi natin alam ang puwedeng nangyari sa panahon na kung
saan ang pananampalataya ay isang alamat lamang. Walang kung sino man ang
puwedeng makaalam ng pangyayaring ito bukod sa isang Nilalang na kinilala ng
maraming tao.