Wednesday, August 1, 2012

Ang Dapat mabatid ng mga Relihiyoso


Ang Sana’y Mabatid ng mga Relihiyoso

           
            Nagsimula ang buhay ng tao ng walang kahit ano mang uri ng pananampalataya. Naging parte ito ng ating buhay dahil sa mga tanong na hindi matugunan at ginawang tugon sa mga tanong na ito ang relihiyon. Nagkaroon ito ng iba’t-ibang klase at hanggang sa ngayon ay wala pang nakakatuklas kung ano sa mga ito ang pinakatotoo sa mga ito. Bawat relihiyon ay may sariling mga kasabihan o aral. Sa kabila ng mga pagkakaiba, sila ay may-iisang layunin at ito ay ang pagkamit ng walang hanggang kapayapaan sa mga naniniwala dito.
Ang pananampalataya ay isang malaking parte sa buhay ng mga tao. Marahil dahil sa mga naniniwala dito. Ang pananampalataya ng mga tao ang nagpapatibay sa isang pananampalataya. Ang pundasyong ito ang nagpatatag ng isang relihiyon. Marahil naging mas matibay ito dahil sa mga nangyayaring hindi maipaliwanag na milagro sa buhay ng mga tao.
            Ang relihiyon ay nagdulot ng maraming mabubuting bagay. Tulad na lang ng pagpapanatili nito na maging butihing tao ang mga sumusunod dito. Nagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa isang komunidad. Marahil sa pagsabuhay ng mga aral ng isang relihiyon, ay nagiging tahimik at mabubuti ang mga mamamayan.
            Pero sa kabila ng mga magagandang dulot ng relihiyon sa atin ay mayroon pa ring mga bagay na hindi maganda, ayon sa iba, lalo na sa paghulma ng talino ng tao. Naging maliit na lamang ang parte ng agham noong panahon ng paglaganap ng relihiyon. Hindi na namulat ang mga tao sa mga tunay na nangyayari at ang ilan ay umaasa na lamang sa mga milagro na dulot ng kanila pananampalataya. Ngunit sa pagkawala ng agham, natigil din ang pag-usad sa paghahanap ng tunay na “kasagutan” sa ating mga katanungan na siguro ay sa huli na lamang natin malalaman. Marahil sana’y mayroon na tayong mga kakaibang kagamitan at mga tugon na magmumulat sa ating mga katanungan. Ang pagbagal ng asenso sa agham ay nagdulot ng mas matagal na pag-unlad natin. Sana’y hindi na tayo namomoblema ngayon sapagkat madali na lang itong masusulusyunan. Hindi man sigurado sa teorya na ito, pero ano ang ating kasiguraduhan na matapos ang lahat ng suliranin dahil sa agham.
            Marahil ngang grandiyosa ang nadulot ng relihiyon sa ating buhay, ngunit hindi natin alam ang puwedeng nangyari sa panahon na kung saan ang pananampalataya ay isang alamat lamang. Walang kung sino man ang puwedeng makaalam ng pangyayaring ito bukod sa isang Nilalang na kinilala ng maraming tao.